7/12/16

Nostos Algos: Homesickness


NOS·TAL·GIA: From Greek nostos ‘return home’ + algos ‘pain'.


This has been something (just one of many! lol) I chose to share over Facebook that to my surprise, moved a lot of people. I've always been awed how much memories I actually have VERY, VERY clear in my mind when I was a child; playing alone in our room with no one but my stuffed toys as my "officemates", my Papa's (grandpa) smell and the way he let me do his make up, my mom chasing me around the house with a pamalo and me hiding behind my lola who subconsciously defends me, me playing with a dead frog at tabing ilog, cutting it with a rusty cutter (Yes, I did that!!! LOL.) - and believe me, A LOT MORE. For that I consider myself lucky. I remember posting this after I had lunch at the office, just because for some reason, words poured into me like waves. And because this blog is intended for personal reasons, and is actually very personal, thought this deserves a spot here. Get ready for a long read. ☺ 



Original post from my Facebook, November 18, 2014: (As is, no edits.)

Kanina ang sarap ng kain ko, naalala ko sila eh. Kaya kwe-kwentuhan ko kayo. Kung di ka masipag mag-basa, wag mo basahin 'to. Mahaba 'to at emosyonal. HAHAHAHA! Hahayaan ko lang yung kamay ko mag-type while memories are flowing.



Once upon a time.... Hindi kami mayaman, nag-start kami noon nakikitira kami sa Lola ko (daddy's side) sa Cainta. Tapos araw-araw akong bumabyahe sa Pasig kasi 'dun ako nag-aaral. Hinahatid ako ng Daddy ko araw-araw, madalas nakikisabay kami 'dun sa kapitbahay namin na may kotseng kuba hanggang Rosario para tipid sa pamasahe. Pareho si erpats at ermats Factory Worker non. Naalala ko lagi ako naiiwan sa lola ko kapag napasok sila, kahit baha sa labas namin hanggang tuhod papasok sila talaga naiisip ko, "Umuulan,hindi ba pwedeng wag na pumasok?" Pero sabi ng lola ko kailangan daw e. Sinasama nila ako minsan sa trabaho, naalala ko nung minsan sinama ako ng tatay ko sa trabaho, di sinasadya napaso ako ni daddy ng yosi, namumutla talaga sya tapos hindi ko alam saan siya kumuha ng toothpaste non sa trabaho nya, eh factory ng ilaw yung pinagtratrabahuhan nya, san galing yon?:D Pero hindi ako umiyak non, kasi I don't want him to feel any worse than he's already feeling. "Masakit?" he asked. Sabi ko hindi okay lang. Tapos kiniss niya yung sugat. Si mommy naman madalas ako pinagtatago sa ilalim ng lamesa nila kasi bawal bata sa trabaho pero sinasama niya pa din ako. Hindi ko alam bakit, tapos inisip ko ngayon, kung ako, isasama ko si Ikka sa trabaho, reason is kasi namimiss ko sya buong araw. Baka ganun din yon no? 


Tapos dumating si Bojok. I thought, "Wow,baby!" Ang pogi pogi. Ang liit liit. Kaso mejo pango. Sabi ko "Bakit di ko kamukha?"



Pero okay lang kapatid ko daw yon basta. K, fine. I adore him too much. He's too cute omg. The way he laughs na walang teeth. Ugh. Kahit ang asim-asim. Hanggang sa nakakapagsalita na sya. Nag-aaway kami madalas. Ang kulit kasi. Siya una ko naka-murahan. (Ohmygosh I'm so sorry mami for this revelation hahahaha) I remember it very well. "Gago." "Gago ka din." pero bulungan lang yun kasi pag nadinig kami ni mommy juskoooo @___@ Pero kaya ko lang sya ginaganun kasi ayaw ko siya kurutin. Nasimplehan ko syang kurot one time, tapos iyak sya ng iyak. Ang sakit ng puso ko nun pero hindi ako nag-sorry kasi bata pa lang ako kasabay kong lumalaki pride ko e. Kaya simula nun, kesa kurutin ko sya, either magbubulungan kami ng ganon (para bawi pareho hahaa), or mag-iiyak na lang ako sa gigil.

Then one day, na-diagnose na si daddy ng sakit sa kidney. That day was so blurry. Nung una hindi ko ma-gets basta umuwi si Daddy galing doktor badtrip na badtrip. Highblood sya, hindi nababa yun dugo niya, yun ang naalala ko. Hanggang sa yun na, sabi kailangan na daw i-dialysis. Tinanong ko para saan yon? Kasi daw pag ang kidney na naglilinis sa dugo, hindi na nag-fafunction, kailangan na ng machine para maglinis ng dugo or else, dudumi yung dugo (COMMON SENSE DUH?!!!). Ganun daw kay Daddy. Bigla ko naalala nung grade 4 ako, nabanggit yun ng nephro ko. Nagkasakit din ako sa bato non e. Sabi kapag daw hindi nagamot, either transplant, or dialysis. Kada magtetest ng ihi umiiyak mommy ko kasi natatakot siya sa resulta. Lagi kami sa chapel ng mga ospital. Thank Goodness gracious, gumaling naman ako. Nun gumaling ako umiiyak pa din nanay ko. May sakit, gumaling, umiiyak? San ako lulugar? Chos. Ewan ko ba dun. Anyway, balik kay daddy, nung unang beses ko sumama sa dialysis, (ang aga ko gumising, 3:00 AM -__-) nakita ko yung karayom. Ang laki. Ang taba. Konti na lang isang dangkal na yung haba. Tapos nakita ko paano tinusok sa braso niya na galit na galit na yung ugat. yung ugat niya ang tataba na. Tapos kita mo na yung butas na dinadaanan ng karayom. Kapag hinahawakan ko yun tas tanungin ko sya, "Masakit?" Sagot niya lang, "Manhid na." Nag-start na yung machine. Tinitignan ko si daddy kung mukhang nasasaktan. Kasi ako noon, lagi ako nagwawala sa OPD ng ospital kapag kukuhanan ako ng dugo eh. Medjo nakakahiya. Pero siya, dedma. Diresto tingin niya sa TV tapos ngingitian nya yung nurse na sobrang pretty. 


I remember also asking him, "Natatakot ka mamatay daddy?" And his answer got me, "Hindi ako natatakot mamatay. Natatakot ako para sa inyo. Kayong mga maiiwan ko. Kasi hindi ko na malalaman kung okay ba kayo."


Hindi ko alam saan sila kumukuha ng pera non. Nagtataka talaga ako. Kasi ang isang session ng dialysis, 5k halos. Si daddy required twice a week, thrice pag sobrang di na nya kaya. Hindi kami mayaman. Hindi ko alam kung may ipon sila, pero dumating yung point na nanghihingi na sila ng tulong sa mga kamag-anak and kaibigan. Ang dinig ko not all the time may tulong,pero still, nakakaraos ng session si daddy. BUT HOOOOW?!!! that's how super my parents are. Nag-stop ako sa pag-aaral, Nursing kasi pakamahaaal juskooo, nalungkot ako ng bahagya lang pero kasi alam ko naman kailangan talaga mapagamot si daddy e, yung pang-tuition kong napakamahal dun muna. (Soya lang sabi ko, kasi hindi ko kailangan na gumising ng maaga at bumyahe pa-V. Mapa lols) that's when I started working, I was 18 years old then. Nakikita ko si mommy naiyak non, sabihin niya sa'kin "Maloloka na yata ako..." Pero hindi siya naloka infairnezzz:D Naiisip ko, ang tibay ng dibdib ng nanay ko. Hindi ko kaya yun. Kung ako nasa kalagayan niya, hindi ko kaya yun. Masisiraan ako ng bait. Kung saan ako kukuha ng pera. yung thoguht na mamamatay yung asawa mo kapag wala kayo nagawang paraan? hindi malilinis yung dugo ng asawa mo kapag wala ka nakuhang pera?! Ang sipag ko maglaba tapos dugo ng asawa ko di ko malinis?! NKKLK. Pero ibahin mo nanay ko. Kinaya nya yon.


In the middle of all these, here comes Yvan = )))) 



Umuwi si mommy naiyak, pinakita sa'kin yung result ng PT sa OB niya, ang naalala ko dun sa papel... basta buntis daw. hahaha! Tinanong ko siya "bakit ka naiyak?" sabi niya wala daw. Naisip ko non, ayaw kaya ni mommy? Kasi unexpected e. Tapos yung sitwasyon pa namen. Hirap. Naiintindihan ko kung ganon. Pero andun na yun eh. That little blood. It's already there. Another Baby Bojok/Bojak? Naexcite ako. It tickles something inside me. Pero nung dumating si daddy, tapos tuwang tuwang nagyayabang kasi kahit daw palpak kidney niya, di naman palpak ang "tooot" niya natawa na din si mommy. Tapos nung lumabas si Yvan, hala siya galit na galit yung ilong!!! Parang pinaliit na daddy. Lumalaking sobrang kulit sabi nga namin si Bojok hindi ganon, di kaya may ADHD si Yvan?? Sabi naman ni mommy, "Hindi, kasi halo-halong dugo na yan e. Diba ilang beses nasalinan si Daddy mo? Kaya ayan" sabay tawa ng malakas. Ang adik niya @___@ hindi pa ako marunong mag-alaga ng bata non, so mami if you're reading this may aaminin ako, brace yourself: Nung isang beses na ako nagbabantay sa kanya, nalaglag sya sa kutson, gumulong huhuhuhu sorry na!!!! Hindi naman umiyak e. Pero grabe kaba ko nun. Mapapatawad mo pa ba ako? hahahaha





Daddy passed away after 5 years of fighting. Sabi nila, sa kaso daw ng sakit niya, hindi daw lahat tumatagal ng ganon. 5 years. Winnurrrr si pudra kung ganens! Kaso ang weird kasi di niya kinamatay yung sa kidney - kumplikasyon daw. Naala ko kasi non, paglabas niya galing ICU for the NTH time, (and his last) sabi ng doktor, bawal yung pagkain na mahirap tunawin. Eh nakita ko siya kumain ng hilaw na chorizo pang-sahog sa pancit. Sabi ko "HUYYY!!" Kaso nginunguya na. Sumenyas lang sya ng "SSSHHH!!!" Ayun sumakit lalo tiyan, then after ilang araw, deadz.Pakatigas kasi ng ulo. Pero mahal ko yon. Pinaka-malungkot non yung pagkatapos ng libing. Kasi may kulang sa bahay. Alam mong may kulang na sa bahay. Kahit kailan di na babalik. Wala nang magpapakamot ng likod. Wala nang sumisigaw pag masakit ang tiyan. Wala ng tatay sa bahay. Kami na lang apat. Basta kulang. Hanggang ngayon kapag naiisip ko.. hindi ko na makikita kahit kailan... mabigat pa din. Imagine that... bam! gone. Deadz. Tegibells. No more of his smell, no more Winston Red, no more of his voice, no more of his kahambugan, wala nang mang-aaway sa taga Sky Cable kapag puputulin yung jumper namin, no more of him.








So where am I going with this post? It has been a very tough life. For them. But for us, me and my brothers? Never. All those struggles we've been through, never have we felt like there is a burden. Why? Because I believe sinalo nila lahat para sa amin. Ayaw nila maramdaman namin na mahirap. Nung mga panahon na walang wala kami, may masarap na pagkain pa din sa lamesa. Dati, bibili si Mommy ng isang order na ulam, hati hati kami dun. Imagine, ilan kami. 4 minus Yvan. Pag naiisip ko ngayon, kulang dapat yon ah? Kasi ako ngayon isang order akin lang minsan kulang pa. Pero nung mga panahong yon, never kong naramdamang kulang. Busog ako palagi. Ang nasa isip ko non, ganon talaga supposedly kadami ang isang meal. Hanggang naalala ko na nasa amin ng kapatid ko lahat ng laman nung ulam, sila yung sarsa lang. Never have I felt that were poor or some sort. Kasi sinanay nila ako ng kung anong meron, madami na yan. Yan na yun talaga. Makuntento must be the term. Na masarap kumain kahit itlog ulam ng ilang araw. Yung mga gamit ko pamasok, binibili ako ng tito ko. Every year. Sasabihin agad ng tatay ko sa tito ko bago magpasukan. Ngayon naiisip ko, dapat pala magulang ang bumibili nun. Pero nung mga panahon yon, ang itinatak ng pamilya ko sa isip ko, tito ko ang bibili ng gamit ko, hindi dahil kulang ang pera ng magulang ko, kundi dahil trip lang ng tito ko na ibili ako every year. Tito Ferdz! Salamat dun ha? Hindi dapat ikaw yon, pero ginagawa mo. Salamat. My parents, they aren't rich but they've always found a way to make sure we had anything we needed or wanted and for that I'am grateful.

Kaya kayo, kung may pang-aral kayo, mag-aral kayong mabuti. Ano ba naman yung iilang oras sa isang araw niyo na i-focus niyo utak niyo para matuto. Okay lang mag-boypren, pero maniwala kayo, walang forever, kasi gabi na. HAHAHHA JK. Ibig ko sabihin, mag-aral at mag-boyfriend pero matuto kang balansehin. Madami ka pang makikilala. Pag nag-katrabaho ka, meron jan manliligaw sa'yo na katrabaho mo, o taga kabilang department, and you'll realize he's so much better than your ex-boyfriend na iniyakan mo buong gabi kaya ka bumagsak sa prelims kinabukasan. Wag kang atat. Kapag hindi nabibigay ng magulang niyo gusto niyo, okay lang yon. Ang gawin mo, mag-aral kang mabuti, tapos para pag nagka-trabaho kang maayos, ikaw mismo bibili nun para sa sarili mo, mas masarap ganon, maniwala ka. Kung hirap ang buhay niyo, wag mong isisi sa magulang mo. Ang gawin mo, mag-trabaho ka kung kaya. Kung nag-aaral ka pa, ulit ulit na ko ah, punyeta! --- mag-aral kang mabuti. Do something. In your own way. Kahit paunti-unti. Kung tamad ka, bumawi ka sa diskarte. DISKARTE - yan ang kailangan ng kahit sino to survive. Tapos wag mo kakalimutan, kahit san ka makarating: Paa sa lupa, mata sa langit. Kung may mga panahon na hindi kayo nagkakaintindihan ng magulang mo, wag kang maangas. As cliche as it is, kung wala sila wala ka. As simple as that. Pwede kang ipahid na lang eh hahaha, pero di nila ginawa, they chose or if they didn't plan you at all, still, they chose to have you - that's why you are here.


Whatever I'am now and whatever I will become, it's because of my parents. They are my backbone. I thank them for showing me what it takes to be so strong. Kapag nahihirapan ako o pag me problema na feeling ko wala na solusyon, I just think of them during those times I have mentioned and I thought, nakaya nila ako pa kaya. You know whenever people compliment me on my personality saying they find me so strong and different, I think of them and smile. I hope if it's really possible for me to see dads again someday, I hope he'll say I made him proud kahit mejo may mga palpak pa din ako. I mean proud of what I become, the way I think, the way I see things ngayon. It's so far different from what I'am when he left. And my mommy, that tough bishhhh, my superwoman. The one who fixes everything for me, for us. She's my other half. Without her I'm nothing.

My brothers - are my source of strength. I love them more than I could ever show. I adore them soo soo soo much. I'd do anything for those two boys. Anything.





I will not say sorry for my short comings - too late for that. I am looking forward for another day, every single day because they are all there. I'm truly truly happy that sila ang pamilya ko. Everything I do, sila at si Ikka ofcourse ang nasa isip ko. We are the besttt! Pag nagka-show kami kakabugin namin ang ratings ng Keeping Up with the Kardashians, I swearz. May forever actually, and it's with your Family kaya wag kang mag-inarte jan sa jowa mo di pa tuyo tahi nyan sa tuli oy 'tong mga bagets na 'to haha jk. = )))) Bojok if you're reading this, walang forever sa mga babae mo tigil mo na yan! Yvan walang forever sa pog tigil mo yan sisss hahahaha! So yon..... and we live happily, ever after = ))))

Stay happy people! Mwa mwa Tsup tsup!!!  = )))


M x

1 comment:

  1. Yvan = Baby Bojok/Bojak?
    Wahaha cute...
    You and your family are amazing Me. God bless all of you.
    Miss you friend.
    Sayo na lahat ng lipsticks ko. :*

    ReplyDelete

Hanash Here!