Parang routine na lang kayo. Naiisip mo nakakasawa. Worse sasabihin mo parang nagsasawa na sya. Iisipin mo "Tangina nito nakakabwisit na." Maiisip mo ayaw mo na. Lahat naman kasi ganon.
Kapag dumarating yung mga araw na yon, hinga ka malalim. Isipin mo ulit bakit nyo 'to sinimulan in the first place. Kung iniisip mo gusto mo na sya mawala, isipin mo din pano araw-araw mo kung wala sya. What difference does it make? Marerealize mo na lang na kahit gano nakakaurat, kahit nakakabwisit, kahit tangina nyang hayop sya, hindi mo gugustuhin lumipas ang isang araw na wala sya. Kasi malungkot. Kasi kulang.
Kasi ito. Ito ang pinili mo. Ito ang gusto mo. Araw-araw. Pinipili mo, niyo: Siya sayo. Ikaw sa kanya. Kayo.
Kasi alam mong kahit ulit-ulitin man buhay mo, ito pa din pipiliin mo - kayo.
No comments:
Post a Comment
Hanash Here!